Paghanga
Ni: Ryanne Aina B. Unarce
Pagkapasok sa pinto ng eskwelahan
Napaisip na ako, kung ano ang gagawin ko ngayon
Kasama ang aking mga kaibigan
Ako’y biglang napatingin sa aking kanan
Unang makita, ang puso’y tumibok
Nang kay bilis at hindi na huminto
Unang tingin pa lamang ako’y nagtataka
Kung ano ang aking nararamdaman.
Ako ay palaging masaya
Tuwing nakikita ko ang matamis mong ngiti
At ang mga mata mo’y kumikinang
Tulad ng mga tala sa langit
Boses mo pa lang, ako’y hindi na makahinga
Dahil pati ang aking hininga nakuha mo na.
Kumanta ka lang, napapakanta na rin ako
Dahil kasing ganda nito si Ma’am Domingo
Tuwing ikaw ay dumadaan, hindi na ako maka – imik
At tila wala nang maisip
Hindi na rin alam kung ano ang gagawin
Ngunit hindi ko alam kung bakit
Sana’y malaman kahit ang iyong pangalan
Sana’y makausap, kahit isang salita lang
Sana’y makilala kung sino ka nga talaga
Upang masabi ko kung sino ang aking hinahangaan
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.